Friday, March 16, 2007

Diego go go.. sumuko ka nah nah nah...

Q:Sino ang gumanap na barangap captain sa pelikulang ito ni Tito,Vic and Joey na Working Boys?
A: Chichay


Caloy para sa yo to!



It's surprising a few of my jologs friends know this one. Caloy, who is know very happy with his job in California who also introduced me to nostalgiamanila.com, sent me an mp3 of the hilarious Diego-go-go line three years ago. Hanggang ngayon tawa pa rin ako nang tawa pag pinapakinggan ko yun. And thanks to youtube, eto andito na yung full scene!

Nakakatawa pa dito eh si Rio Locsin eh in-love na in-love kay Buwaya, at si Buwaya pa ang imbyernang-imbyerna sa kanya! Sa bandang huli nga ng movie eh kinakausap pa ni Rio si Carmi Martin na hindi daw nya kayang hiwalayan ang asawa nyang mahal na mahal. Hahahaha. Love is blind,indeed!!! Pero come to think of it, sa pelikula lang yun nangyayari!!!

Vic: Dieo-go-go-go... Sumuko ka nah-nah-nah-... Napapaligiran ka na namin-min-min..
Tito: Hindi ako susuko!.. Sapagkat hindi ako si Diego!
Vic: Nyahah!


Nakakainis lang bakit wala nang ganitong mga movies ngayon? Pati yung mga movies na tipong mananaginip yung bida na tapos biglang magche-change yung scene na lahat sila eh nagsasayaw na sa Matabungkay Beach - na nakakatuwa naman dahil alhat sila sa beach mga seksi at magaling sumayaw, may hahabulin na magandang babae at yung pinakapanget mahuhulog sa butas sa buhangin or mababagsakan ng buko, or kung low budget ang film eh sa Wild Life lang sila magsasayawan. Those were the days!

Teka,teka, hintayin nyo pa yung hinanda kong She-Man, Mistress of the Universe..dyos ko day!!!

*movie clip from www.youtube.com

No comments: