Tuesday, March 20, 2007

Ha? Patay na Si Shaider???

Yan kaya ang reaction ko nung may nagsabi sa akin na patay na si Shaider a few years ago. O di ba, paang close talaga kami ni Shaider. Nung 2001 pa pala sya namatay. Sakit sa bato ang kinamatay ni Lolo Alexis, masyadong napagod sa kakabalik sa Time Space Warp. :(

Pero parang hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na patay sya.

Pulis Pangkalawakan! Shaider!!!



Naghahanap ako nung mga batang nag-shi-Shigi-Shigi at kumakain ng repolyo pero wala ako mahanap eh...

Parang hindi ako maka-move-on kay Shaider. Parang andami pang questions sa isip ko na hindi pa nabibigyang liwanag? Here are some of those thought-provoking questions...


Paano na si Annie? Nagmahal kaya sya ulit ng iba? Ano kaya ang theme song nya para kay Shaider?

Sino na ang magliligtas sa kanya pag pinagkakaisahan na sya ng mga Amazona?



Kahit minsan kaya ay nagkaroon ng awkward moments between Alexis and Annie? Lalo na pag tuma-tumbling si Annie suot ang kanyang super-skimpy na iskert?

Si Fuuma Ley-ar? Nasuklian ba nya ang unrequited love ni Ida sa kanya? Alam nyo bang kinain ni Fuuma yung Red, Green and Pink Amazonas para mas lumakas sya sa kanyang battle with Papa Shaider??? Alam nyo bang ganito ang totoong muka ni Ida?


Eh yung mga batang iniligtas ni Shaider mula sa pagsayaw buong maghapon ng Shigi-Shigi at pagkain ng hilaw na repolyo, sila ba ang naging inspirasyon sa mga manika na Cabbage Patch Kids? Or was it the other way around?


Bakit kaya hindi pinalabas ang Shaider sa probinsya? Masyado ba syang violent? Or mahina lang talaga ang signal ng Channel 13 sa mga areas na iyon?

Si Doktor Ang? Ano na nga ba ulit ang pangalan nung biik nya dun? Pinky ba? Hindi ba naiinis sa kanya yung alalay nya na mas pinagtutuunan ng pansin ni Doktor Ang yung biik kesa sa kanya?

May signal kaya ng Globe sa Time Space Warp? Eh Sun kaya? I bet wala dahil madilim dun!
Di man lang ba nawiwindang si Shaider at Annie pag hinahanap na nila ang kanilang mga sasakyan after the fights? Para kasing kung saan-saan na lang nila iniiwan yugn mga sasakyan nila eh. Or ma Wag mong sabihin na pagkatapos ng laban ni Shaider sa Time Space Warp ay kailangan pa nyang balikan yung Suzuki Jimny nya dahil papagalitan sya ni Kumander Kom. Sabagay nakakapunta nga sila sa Time Space Warp eh siguro naman di sila na-lo-lost. And does Annie let Shaider drive kaya her mazda RX-7 pag nagdedate sila? hehe :)



Haaay, Shaider... kayo what are your favorite Shaider memories? :)

*image sources:
youtube.com
answers.com
etu.ensimag.fr

4 comments:

deejayz said...

ah kuyagerms, matagal nang patay si shaider. huli ka na sa balita.

Regina Theresa said...

hahaha opo joke lang yun hehehe. matagal ko nang alam.:) hehe enjoy!

JoLoGs QuEeN said...

ano? namatay na si shaider?!?!?!

akala ko nagsuicide gamit ang shaider cutter (^_-)

JOBERT BALBASTRO said...

Favorite Shaider moments ko...tuwing sumisipa si Annie. Yun lang kasi pagkakataon ko makakita ng panty.

oo nga pala..isa na pala shang porn star sa japan.