Saturday, March 10, 2007

Idol, idol, idol ko si Mayor!


***
Q: Who is the actress who portrayed the role of Hagedorn's wife in the movie Hagedorn (which was played by FPJ)?
A: Sharmaine Arnaiz
***


Mayor Hagedorn is now my Flickr Friend!!! I am actually his FIRST flickr friend! :p Don't want to believe me?



My extreme na pagka-starstruck with Mayor started since Day 1 planning of our Palawan trip late last month. "Yay! Makikita na natin si Hagedorn"! Nagbibiruan pa nga kami pagdating namin sa Puerto Princesa airport: "Oh, kala ko ba susunduin tayo ni Mayor?". Jake, Erlyn, Judith, Jackie and I sounded like broken records during our trip dahil everytime na nakakakita kami ng picture or billboard nya, napapadaan kami sa townhall or nakakakita kami ng magandang bahay, wala kaming bukambibig kundi HAGEDORN!!!

Pero walang Mayor kaming nasilayan. Nag-enjoy na kami't lahat wala pa rin ni anino nya. I was actually very curious sa kanya. In the tradition of my pagiging jologs, super walang kwenta ang alam ko sa kanya.


*image courtesy of yatego.com

I know he is an Erap-look alike kahit na ba si FPJ ang gumanap sa kanya sa pelikula. Alam ko rin reelectionist sya, and he has the reputation like that of Mayor Duterte (Davao). My friend told me (after our trip) na he was actually the last official who stepped out of Malacanang with Erap, which made him the first one to greet Gloria. Sayang nga at talagang hindi namin kinarir ang paghunting namin sa kanya sa Puerto Princesa.

But wait there's more!!! Meant talagang makadaupang palad namin sya - we checked in 5 mins before boarding time on our way back to Manila. Blessing in the sky, I mean blessing in disguise pala iyon dahil being a VIP eh huling nagboard ng plane si Mayor. Basta habang nagmamadlai kaming naglalakd sa kalagitnaan ng tarmac ay may nakita kaming mga pulis, at may nakabarong... SI MAYOR HAGEDORN!!!

Showbiz talaga ang Lolo! Nag-pose para kay Erlyn bago sumakay ng plane. At in fairness din sa kanya, naka-Cebu Pacific sya! I bet, nag-book sya online nung November para sa 99+ promo nila just like us! Joke lang Mayor ha, we wab you! :) So my beautiness naman eh nahiya na naman, kaming dalawa kasi ng utol ko, kunwari walang paki na nakakita ng artista, pero pag nakadaan na, mag-gu-gush na na may na-spottan kami!!! Parang nung si Kier Legaspi nakasalubong namin sa rotating door sa Shangri-La or si Angelica Panganiban nung nakasabay namin sa elevator sa condo, dedma sa una pero after that di na makahinga sa excitement! So back to Mayor, sobrang thankful ako kay Erlyn na talagan inapproach nya si Mayor pagdating sa Manila, nahuli kami ng pagbaba sa plane ni Jackie at talagang tumakbo kami para di namin mamiss ang opportunity to talk with Mayor Hagedorn. Lolo Hagedorn was not escorted, buti na lang di kami napagkamalang mga terrorists disguising as beautiful and konyotik na mga tourists you know. Haha :)


Sabi ko na sa inyo close kami ni Hagedorn! Sabi nga ng utol ko, sparks are flying!!! :) So syempre humahagod pa ako dahil sa pagtakbo sa Domestic airport tarmac, pero mega-kausap ako sa kanya! Ang my friends have heard this anecdote a thousand times na pero I will never get tired of telling the story over and over again>:p

Ako: Mayor, alam nyo ba pagtuntong pa lang namin sa Puerto Princesa kayo na agad ang hinanap namin!!!

Mayor: Ah ganun ba, nakakahiya naman sa inyo at hindi man lang tayo nakapag-dinner sa bahay!


POWERFUL with a capital P and OWERFUL! Walang ka-ere-ere nung sinabi nya yun! Kahit na ba labas sa ilong yun nung sinabi nya or kung talagang sincere man lang, at least proud ako na nahiya sa akin si Mayor Hagedorn dahil hindi man lang kami nakapag-gala dinner sa bahay nya. Charuz! Haha :) So bago pumasok sa arrival area eh mega-pose na naman kami with him sya pa nga ang nagsabi, "O dito na ba tayo magpipicturan!" Showbiz!!! And of course hari ng sablay na naman ako sa photo-op na ito!



Dahil dyan Mayor, kahit di ko napanood ang pelikula mo, forever kitang magiging idol!

No comments: